WAGI | Team Visayas, tinalo ang Gilas Pilipinas sa huling araw ng 2018 PBA All-Star week

Iloilo City – Hindi pinaporma ng Team Visayas ang Gilas Pilipinas sa huling yugto ng 2018 PBA All-Star week na ginanap sa San Agustin Gym sa Iloilo City.

Tinalo ng Visayas All-Star ang Gilas sa score na 157-141 kung saan nanguna sa panalo si Jeff Chan na mayroong 29-points.

Nakagawa naman ng history sa PBA All-Star game si Calvin Abueva ng Gilas Pilipinas na nakapagtala ng 41-points at 27-rebounds pero hindi ito naging sapat para makuha ng kaniyang koponan ang panalo.


Facebook Comments