WAGI | WGM Frayna, GM Gonzales, kampeon sa Rapid Chess Open Division ng Philippine National Games

Cebu, Philippines – Nasikwat nina Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna at Grandmaster Jayson Gonzales ang kampeonato sa Rapid Chess Open Division ng Philippine National Games sa Cebu City.

Nakuha ni Frayna, ang kauna-unahang Pinay chess grandmaster ng bansa, ang ginto para sa Albay matapos pangunahan ang women’s division.

Nakuha nina Woman FIDE Master Shania Mae Mendoza ng Sta. Rosa, Laguna ang silver medal habang tanso naman ang naiuwi ni WFM Michelle Yaon ng Calamba City.


Sa men’s division, nagwagi ang beterano at many-time national chess team member na si Gonzales matapos malusutan ang pagtatangka ni IM Paulo Bersamina sa final round.

Sina GM Darwin Laylo at Austin Jacob Literatul naman ang nakuha ang silver at bronze medals.

Facebook Comments