Waiter na Nanaksak ng Magsasaka Sa Lungsod ng Santiago, Areatado!

276

Arestado ang isang waiter matapos itong manaksak ng isang magsasaka sa nakalipas na paggunita ng mahal na araw sa brgy. Dubinan East Santiago City.

Kinilala ang biktima na si Elmer Estanoco, 41 anyos, may asawa, residente ng brgy. Cabulay, Santiago City habang ang suspek ay kinilala namang si James de Castro, 29 anyos, at residente ng brgy. Dubinan East Santiago City.


Batay sa report ay naghahanap umano ng lugar na maaaring pag-inuman ang grupo ng biktima kasama ang mga kaibigan at kamag anak ng biglang dumating ang si De Castro lulan ang kanyang motorsiklo at biglang sinabihan ang mga ito na binabastos ang mga babae sa naturang lugar.

Makaraan ng ilang sandali ay bumaba ito sa sinasakyang motorsiklo at walang anu-anong pinagsusuntok ang biktima at bumunot ng kutsilyo at sinaksak ang kaliwang bahagi ng dibdib ni Estanoco.

Agad naman itong ipinagbigay alam sa mga otoridad at sinubukang isugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Dinala naman sa kustodiya ng kapulisan ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon habang patuloy naman ang ginagawang pagsisiyasat nina PMSg. Michael Domingo, PSSg. Roger Dizon at PSSg. Lovel Jeff Tanggan sa naturang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers