Reina, Mercedez, Isabela – Huli ang isang waiter matapos maaktuhang hawak ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP Reina Mercedes at PDEA ganap alas onse kagabi, Pebrero 5, 2018.
Batay sa nakuhang inpormasyon ng RMN Cauayan News Team, nakilala ang suspek na si Mark Anthony Galam Patricio alyas “MACMAC”,27 taong gulang, binata, waiter ng isang bar at residente ng Minanga, Naguillian, Isabela.
Sa imbestigasyon ng PNP Reina Mercedes, kasalukuyang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot si Patricio sa barangay Nappacu Pequeno, partikular sa bar na kanyang pinagtratrabahuhan nang madakip ito ng mga awtoridad.
Nauna nmang naimpormahan ang mga operatiba at kaagad na nakapwesto kasama ang nagpanggap na bibili ng droga.
Nakuha mula sa suspect ang limang daang piso (P500.00) na marked money, isang piraso ng plastik na naglalaman ng white crystalline na pinaghihinalaang shabu na kanya sanang ibebenta, at isa pang plastik.
Nasa kostodiya na ngayon ng PNP Reina Mercedes si Patricio para sa karagdagang disposisyon at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.