
Wasak ang waiting shed at pader ng guard house ng TESDA sa Taguig City matapos salpukin ng trailer truck ngayong umaga.
Ayon sa Traffic Bureau, isang 36 years old ang driver ng trailer truck at may kasama itong isang pahinante na wala namang itinamong sugat.
Halos mabuwal naman ang stoplight sa lugar matapos na masalpok din ng truck.
Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente at hindi pa makapagbigay ng inisyal na impormasyon.
Abiso sa mga motorista, isinara muna pansamantala ang East Service Road kung kaya mas maiging humanap na lang ng alternatibong ruta.
Facebook Comments









