Manila, Philippines – Aminado ang Philippine National Police (PNP) na
nagkaroon sila ng pagkukulang kaya nabasura ang drug cases nina Kerwin
Espinosa at 20 iba pa.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, hindi kasi ang aktwal
na transcript ng testimonya ni Espinosa sa Senado ang kanilang isinumite.
Giit ni Dela Rosa, magsisilbi itong wakeup call sa kanila pero nananatili
pa rin ang kanilang pagkadismaya sa Department of Justice (DOJ).
Kasabay nito, nangako ni Dela Rosa na hindi nila aatrasan ang kaso ni
Espinosa kahit nabasura na maging ng ibang drug cases.
Facebook Comments