WALA NA? | PNP, wala nang namo-monitor na shabu laboratory sa bansa

Manila, Philippines – Wala nang namo-monitor ang anti-illegal drugs agencies ng gobyerno na presensya ng shabu laboratory sa Pilipinas.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – batid kasi ng drug syndicates na mahirap makapagtayo ng shabu lab sa bansa dahil sa agresibong kampanya laban sa ilegal na droga.

Wala na ring naiuulat maging ang mga maliliit na shabu lab na inilalatag sa mga subdivision at condominium.


Pero aminado si Albayalde na lumilipat ngayon ang mga sindikato ng droga sa shabu smuggling para mapanatili ang kanilang illegal drugs business.

Sa ilalim ng shabu smuggling sa pamamagitan ng bogus shipment, multi-billion peso na halaga ng shabu ang pinaniniwalaang naipuslit sa bansa – kabilang na ang ₱6.4 billion shabu shipment na lumusot sa bureau of customs at ang ₱6.8 billion halaga ng shabu na pinaniniwalaang naitakas sa pamamagitan ng magnetic lifters.

Dahil dito, pinaiigting ng pnp ang cooperation at intelligence-sharing sa iba pang ahensya mula sa international community.

Facebook Comments