WALA NANG MAHIHILINGIN PA | Kris Aquino, naubusan na raw ng hihilingin para sa kanyang 47th birthday

Manila, Philippines – Tila naubusan na ng hihilingin ang Queen of all Media na si Kris Aquino para sa kanyang 47th birthday sa February 14.

Say ni Kris, sa kabila kasi ng mga nangyari sa kanya noong 2017 parang bale wala na ito ngayon dahil kumpletong-kumpleto na ang buhay niya ngayon.

Matatandaan kasing noong nakaraang taon ay medyo nag-lie low sa showbiz si Kris.


Nandyan din na walang naging permanent home network si Tetay at hindi na rin nasundan ang independently-produced travel show niyang trip ni Kris.

May umugong din na magti-team up sina Kris at Willie Revillame pero hindi naman ito nag-prosper.

Pero ngayon ayon kay Kris, parang non-stop naman ang pagdating ng blessings sa kanya.

Facebook Comments