WALA NANG PAG-ASA? | Peace talks sa pagitan ng NPA at pamahalaan, lalong lumabo – PNP

Manila, Philippines – Mas naging malabo ang tsyansa na muling matuloy ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at New People’s Army (NPA).

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, ito ay dahil sa nadiskubre ng Philippine National Police (PNP) na sangkot na rin ngayon ang ilang miyembro ng NPA sa kidnap for ransom matapos na aminin ito ni Donato Jacob ang naarestong commander ng bagong Hukbong Bayan Bulacan chapter.

Inamin mismo ni Jacob na ang lahat ng kanyang mga kasamahan sa KFR group ay mga miyembro rin ng NPA.


Ayon kay Dela Rosa, pinasok ng NPA ang kidnap for ransom bilang bahagi ng kanilang fund raising activities.

Sinabi ni Dela Rosa na isang heinous crime ang kidnapping, at ngayong sangkot na rito ang NPA dito mas lalong malabo na ang tsansa na makipag-usap sa kanila ang pamahalaan.

Matatandaang una nang pinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang kapayapaan sa pagitan ng komunistang grupo dahil sa nagpapatuloy na pag-atake ng NPA.

Pagkakahuli sa mag-asawang suspek sa pagpatay kay Demafelis, hindi makaaapekto sa deployment ban sa Kuwait.
<#m_3594327939873014253_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments