
Hindi pa rin daw nagbabago ang birthday wish ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng maunlad na Pilipinas kung saan wala nang Pilipinong nagugutom.
Ayon sa pangulo, mula naman nang maupo siya sa puwesto, ang tanging nais niya ay maiangat ang buhay ng bawat Pilipino, lalo na ang mahihirap.
Simple lang aniya ang kanyang hangarin para sa administrasyon, ito ay ang matapos na ang mga proyekto at masimulan ang mga repormang puwedeng ipagpatuloy ng susunod na pamahalaan upang hindi masayang ang magandang resulta.
Ngayong araw, binuksan ng pangulo sa publiko ang Malacañang para sa isang libreng salu-salo bilang pagdiriwang sa kaniyang ika-68 kaarawan bukas, September 13.
Matatatandaang noong nakaraang taon, ang hiling ng pangulo para kaniyang kaarawan ay maisakatuparan ang lahat ng mga programa ng pamahalaan sa agrikultura bilang susi sa food security at sa pag-angat ng kabuhayan ng mga magsasaka.









