Manila, Philippines – Hindi na maglalabas ng Hold Departure Order (HDO) ang Department of Justice (DOJ).
Ito ay kasunod ng ruling ng Supreme Court (SC) na labag sa batas ang pagbabawal sa isang indibidwal na makabyahe ng walang court order maliban kung kaligtasan ng buong bansa ang makokompormiso.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, wala ng bisa ang mga naunang HDO, watch list order at immigration look out bulletin orders ng DOJ.
Aniya, kailangang maglabas ng Executive Order (EO) ng Malacañang para masolusyunan ang isyu.
Facebook Comments