Calasiao Pangasinan – Hindi na umano palalawigin ng Comission on Election ang registration day para sa 2019 midterm election. Ngayong araw September 29, 2018 ang itinakda ng Comelec para makapagpa-registro ang mga first timer at ang mga gustong magpa-reactivate o palipat ng lugar para maka-boto.
Matatandaang sa bisa ng Comelec Resolution 10392 na inilabas noong June 19, 2018 muling ipinagpatuloy ang registration nila July 2, 2018 hanggang ngayong araw.
Nakatakda sa nasabing resolution na mula Lunes hanggang Sabado, 8am-5pm bukas ang opisina ng Comelec sa nung bansa.
Sa kabila ng pinatinding awareness campaign ng ahensya upang hikayatin ang mga tao na magpa-rehistro ng maaga marami paring mas piniling dumagsa sa Comelec offices at satellite offices kahapon at ngayong araw.
Ayon sa Comelec Pangasinan inasahan na nila ang ganitong senaryo kaya pinaghandaanna nila ito sa paglatag ng mga habang upang masigurong mapabilis at maaayos ang kanilang serbisyo.
Isa sa dinagsang satellite office ng Comelec ay ang nasa isang malaking mall sa bayan ng Calasiao Pangasinan. Kahit na lagpas na sa tinakdang oras ay patuloy parin ang pagdagsa ng mga gustong magpa-rehistro lalo na ang mga first timer.
WALA NG EXTENSION | Mga gustong magpa-rehistro para maka-boto sa 2019 Mid-term Election dagsa!
Facebook Comments