WALA NG KATOTOHANAN? | Kamara, nagmistula na namang rubber stamp dahil sa Cha-cha

Manila, Philippines – Wala na umanong katotohanan ang pagiging independent ng mga co-equal branches ng pamahalaan.

Ayon kay ACT Teachers Rep. France Castro, ang nangyari na pagpapasa sa House Concurrent Reso #9 na nagco-convene sa Senado at Kamara bilang Constituent Assembly para sa Federalism ay isa na namang matibay na halimbawa na hindi totoo ang independence ng mga sangay ng gobyerno.

Giit ni Castro, ilang beses na naging “rubber stamp” ang Kamara sa mga panukala na nais ipasa ng Ehekutibo.


Nauna na ang TRAIN at Martial Law extension sa Mindanao sa mga patunay na sinasagasaan ng Kamara ang proseso sa mga gustong ipasang panukala.

Ganito rin ang paniniwala ni Caloocan Rep. Edgar Erice kung saan tinawag niyang “Alvarez Constitution” ang aamyendahang Saligang Batas.

Malaking kwestyon aniya kung papano pa pagkakatiwalaan ang Charter Change kung ang simpleng pagbusisi dito ng mga kongresista ay hinaharangan mismo ng mga mambabatas.

Facebook Comments