WALA PA | DILG, kinumpirmang wala pang tourist destination na isasara kasunod ng Boracay

Manila, Philippines – inihayag ngayon ng Department of Interior and Local Government na wala pang susunod na tourist destination na isasara at irerehabilitate tulad ng ginawa ng Pamahalaan sa Boracay Island kung saan 6 na buwan itong dumaan sa rehabilitasyon at isinara muna sa mga turista.

Ayon kay Interior and Local Government Assistant Secretary Jonathan Malaya, isa itong mahirap na desisyon at dadaan ito sa malalimang pagaaral at mga proseso.

Bukod pa aniya sa pagaaral ay kailangang mayroong Go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng ginawa nito sa Boracay Island.


Pero sinabi ni Malaya na sinisilip na nila ang Coron at El Nido sa Palawan dahil mayroon nang mga reklamo na sobra na ang dami ng estabilsyimento na hindi sumusunod sa mga umiiral na environmental laws.

Facebook Comments