Manila, Philippines – Hindi pa nakakapagtala ang Philippine National Police ng mga untoward incidents na may kaugnayan sa paghahain ng Certificate of Candidacy para sa eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, batay sa kanyang pakikipag ugnayan sa lahat ng PNP regional directors sa buong bansa, walang naireport kahit mga maliliit na komosyon na naganap sa mga COMELEC offices ang mga ito.
Samantala, sa susunod na linggo posibleng ilabas ng PNP ang listahan ng validated election hotspots sa buong bansa na magiging focus naman ng pnp sa pagbibigay ng mas mahigpit na seguridad.
Facebook Comments