WALA PA RIN DAW DAPAT IPAG-ALALA | Stock ng NFA rice, ubos na!

Manila, Philippines – Ubos na ang reserbang bigas ng National Food Authority (NFA).

Bukod sa wala nang distribution stock ang NFA, lumabas din sa nationwide inspection na wala nang NFA rice sa merkado.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaubusan ng NFA rice mula noong 1972.


Pero sa interview ng RMN-DZXL kay NFA spokesperson Rex Estoperez – aniya, hindi na ito bagong isyu.

Buwan pa lang ng Pebrero ay sinabi na umano na nila na hindi na sila nag-suplay ng nfa rice sa mga pamilihan dahil nasaid na ang buffer stock.

Wala rin aniyang dapat na ipag-alala dahil ngayong Abril o sa kalagitnaan ng Mayo, darating ang 250,000 metric tons na inangkat na bigas ng NFA.

Bukod pa ito sa inangkat na 250,000 metric tons na inaprubahan ng NFA council na inaasahang darating sa Hunyo.

Facebook Comments