WALA PA RIN | Pangulong Duterte, hindi pa nakapipili ng bagong SAP

Manila, Philippines – Binigyang diin ni dating Secretary Bong Go na hindi totoo na nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang opisyal na papalit sa kanyang bilang Special Assistant to the President.

Ito ang sinabi ni Go matapos lumabas sa balita na itinalaga na umano ni Pangulong Duterte si Atty. Chermalu Aldevera bilang bagong SAP kapalit ni Go na otomatiko namang nagbitiw na sa posisyon matapos magsumite ng kanyang Certificate of Candidacy o COC kahapon sa COMELEC.

Ayon kay Go, hanggang ngayon ay wala pang napipili si Pangulong Duterte na tao na papalit sa kanyang posisyon.


Binigyang diin pa nito na dapat ay hintayin nalang ang magiging desisyon at anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin.

Ito naman ay sa harap ng balita na kinumpirma na umano ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na itinalaga na ng Pangulo si Aldevera bilang bagong SAP.

Facebook Comments