Wala pang COVID vaccine para sa PNP – Sinas

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas na ilang miyembro lamang ng gabinete at sundalo ang nagpaturok ng COVID-19 vaccine at wala pa sa hanay ng pulisya.

Ayon kay Sinas, wala pa siyang natatanggap na ulat na may mga miyembro ng PNP na ang tumanggap ng doses ng COVID-19 vaccine.

Wala pa aniyang kautusan na kailangan nang magpabakuna ang mga pulis.


Sa pagkakaalam lamang ni Sinas, ang mga pulis ay kabilang sa mga ipaprayoridad sa vaccination lalo na at sila ang magbabantay sa pagsasagawa ng mass immunization.

Patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Food and Drug Administration (FDA) para habulin at tugisin ang mga taong nagbebenta at nagpapaturok ng COVID-19 vaccine.

Una nang kinumpirma ni Philippine Army Commanding General Lieutenant General Cirilito Sobejana na may ilang sundalo na ang nakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 vaccine.

Facebook Comments