WALA PANG DESISYON | Former DILG Sec. Mar Roxas, ayaw gawing basehan ang survey para tumakbong Senador sa 2019 elections

Manila, Philippines – Wala pang desisyon si dating DILG Secretary Mar Roxas kasunod ng patuloy na panghihikayat sa kanya na tumakbo sa 2019 midterm elections.

Matatandaang sa survey, isa rin ang pangalan ni Roxas sa lumalabas na nais iboto ng mga tao.

Pero para kay Roxas – hindi batayan ang survey para tumakbo siya sa Senatorial race.


Aniya, hinahanap pa niya ang sinseridad sa kalooban niya kung saan masasabi niya sa kanyang sarili na gusto niyang magpatuloy sa pulitika.

Huling tumakbo bilang pangulo si Roxas sa ilalim ng Liberal Party noong 2015 pero natalo siya ni PDP-Laban candidate Rodrigo Duterte.

Facebook Comments