Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na mayroon pang pagkakataon ang mga local at foreign tourist na bisitahin ang Boracay island sa Holy Week.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi pa nakapag dedesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung isasara o hindi ang Boracay island para kahit paano ay makabawi ang kalikasan mula sa maraming taong pangaabuso.
Sinabi ni Roque na hindi kailangang kanselahin ng mga turista ang kanilang biyahe sa Boracay sa susunod na Linggo.
Possible din aniyang hindi pa ipasara ng Pangulo ang nasabing isla ngayong summer season.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na susuportahan niya ang anomang rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung ano ang gagawin sa Boracay.
Wala parin naman aniyang desisyon si Pangulong Duterte sa issue at sinabi ni Roque na siya ang magaanunsiyo nito sakaling alam na ni Pangulong Duterte ang dapat gawin sa Boracay.