WALA PANG GO SIGNAL | Manlakanyang, nagbabala sa mga negosyanteng agad na magpapatupad ng taas presyo sa bilihin

Manila Philippines –Nagbabala ang Malakanyang sa mga maliliit at malalaking negosyante na agad na magpapatupad ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Presidential Sec. Martin Andanar, kahit pumasok na ang taong 2018 wala paring go signal para sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin.

Sinabi ni Andanar na kailangan pang matapos ang ilang araw na paglalathala sa mga pahayagan o official gazzete kaugnay ng ipinasang tax reform law o TRAIN.

Pinayuhan din ni Andanar ang publiko na agad na mag-report sa Department of Trade and Industry (DTI) sakaling may maputnayan na mga establisyemento na nagsasamantala , upang agad na makagawa ng aksyon ang pamahalaan.


Facebook Comments