WALA PANG KONTRATA | Top Rank CEO Bob Arum, kinontra ang anunsyong laban ni Manny Pacquiao sa Malaysia

Sports – Walang laban hangga’t walang napipirmahang kontrata.

Ito ang sinabi ni Top Rank CEO Bob Arum kasunod ng naging anunsyo ng kampo ni Manny Pacquiao na tuloy na ang laban niya kay Argentinian Boxer Lucas Matthysse.

Sa anunsyo ng Fighting Senator, gaganapin ang laban sa Kuala Lumpur, Malaysia sa June 24 kung saan sisimulan ang World Tour para sa promosyon ng laban sa March 22.


Duda rin si Arum sa mga investors sa Malaysia na nagdesisyong dalhin doon ang laban ni Pacquiao.

Aniya, kasali pa rin ang Top Rank sa laban ni Pacquiao sa malaysia dahil sila ang hahawak ng Worldwide Television.

Facebook Comments