Manila, Philippines – Wala pang petsa kung kailan maipalalabas ng Social Security System (MRT) ang dagdag na isang libong pensyon para sa mga miyembro nito.
Ayon sa SSS, maibibigay ito sa tamang panahon kapag nagkaroon na rin ng sapat na pondo ang ahensiya.
Sa taya ng SSS, kakailanganin nila ng dagdag na ₱2.3 bilyon para maibigay ang dagdag na ₱1,000 kada buwan sa mga miyembro nitong pensiyonado.
Kaya naman umaasa ang SSS na maitataas ang 11 porsiyentong contribution rate ng kanilang members.
Nauna nang hiniling ng SSS kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtataas sa 14 percent ng monthly contribution rate ng mga miyembro.
Bukod rito, nagsasagawa na rin ng legal action ang SSS laban sa mga delingkuwenteng employers at miyembro.
Facebook Comments