WALA PANG PLANO | Paraan ng pag-uwi ni Joma Sison sa bansa, hindi pakikialaman ng Malacañang

Manila, Philippines – Wala pang plano ang palasyo ng Malacañang na tulungan si Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Joma Sison sakaling magdesisyon ito na umuwi sa bansa.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan welcome aniya si Sison na umuwi dito sa Pilipinas at tiniyak ng Pangulo na hindi siya aarestuhin dito sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ibinigay na ni Pangulong Duterte ang kanyang salita at tiyak na tutuparin ito ng Pangulo at siguradong walang gagalaw na otoridad dito sa bansa para arestuhin si Sison.


Pero si Sison naman ay nasa listahan ng Estados Unidos ng Amerika sa mga nagpopondo sa teroristang grupo kaya naman sinabi ni Roque na bahala na si Sison kung paano ito uuwi sa bansa mula sa Netherlands.

Facebook Comments