Manila, Philippines – Hindi kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines ang pahayag ni Professor Rommel Banlaoi ang chairman ng Philippine Institute For Peace Violence and Terrorism Research na may nakapasok na 40 hangang 100 foreign fighters sa bansa.
Ito ay kabila na may umiiral na martial law sa Mindanao.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig General Edgard Arevalo wala pa siyang hawak na anumang report na kukumpirma sa ulat ni Prof. Banlaoi.
Pero senyales aniya ito na dapat na magkaroon ng extension ng Martial law sa Mindanao dahil kung nagagawa ng mga teroristang grupo ito na makapasok sa bansa kahit may umiiral na matial law mas malala pa ang kanilang magagwa kung walang Martial law.
Giit pa ni Arevalo na sa pamamagitan ng pagpapalawig ng Martial law sa Mindanao ay mas maraming pagkakataon sa kanila para mas maprotektahan ang bansa sa pagpasok ng mga foreign fighters.
Ayaw namang pansinin ni Arevalo ang mga komentong negatibo para sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Aniya walang aasahan sa mga batikos, dahil mahalaga ay wala silang namonitor na anumang paglabag sa karapatang pantao mula sa kanilang hanay kaugnay sa umiiral na Martial Law.