WALA SA KASARIAN | Kauna-unang transgender army reserve officer, nanumpa sa tungkulin

Manila, Philippines – Binigyan ng ranggong Lt. Col. sa Philippine Army Reserve Corps si Bataan Representative Geraldine Roman sa Camp Aguinaldo kahapon.

Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang donning of ranks at oath taking ceremony kasama si AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero.

Nagpasalamat naman si Congresswoman Roman sa AFP dahil sa pagpapahintulot na maging bahagi ng militar ang mga miyembro ng Lesbian-bisexual-gay-transsexual o LBGT community.


Unang inanunsyo ni Roman ang kanyang intensyong sumali sa reserve officer corps noong Pebrero 2017.

Naniniwala si Roman, na hindi nakabatay sa kasarian ang paglilingkod sa bayan.

Kasabay ni Roman, dalawa pang miyembro ng Kamara na sina Congressman Edwin Marino Ongchuan ng Northern Samar at Congresswoman Divina Grace Yu ng 1st District ng Zamboanga Del Sur, ang nanumpa rin bilang Lt. Col. sa Army reserve corps.

Facebook Comments