Manila, Philippines – Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na iniutos niya ang pagtatayo ng casino sa Boracay island.
Sa kanyang departure speech, nilinaw ng Pangulo na wala siyang direktiba na magtayo ng anumang istruktura kahit na bahay kubo.
Sa halip aniya, iniutos ng Pangulo na linisin ang isla kung saan balak niya itong isailalim sa land reform matapos ang anim na buwang rehabilitasyon.
Iginiit din ni Pangulong Duterte na agricultural land ang Boracay kaya ibabalik nito sa mga magsasaka kapag natapos na ang paglilinis doon.
Tiniyak naman ni Pangulong Duterte na maglalabas siya ng proklamasyong magsasailalim ng isla sa state of calamity para magamit sa mga maaapektuhang mahihirap ang P2 billion calamity fund.
Facebook Comments