Manila, Philippines – Nananawagan ang mga Manileño kay Manila Mayor Joseph Estrada na gumawa ng kaukulang aksyon upang linisin ang mga dumi ng aso na nagkalat sa Evangelista Street Quiapo Manila.
Hindi maiiwasan kasi ng mga dumadaan sa Evangelista Street Quiapo Manila na maaapakan nila ang mga dumi ng aso na nagkalat sa lugar.
Natatakot ang mga dummadaan sa lugar dahil sa sangkaterbang aso na nagkalat bukod pa sa kanilang mga dumi na napababayaan lamang ng Manila City Govt.
Matagal na umano nilang ipinarating sa tanggapan ni Estrada pero wala umano ginagawang aksyon ang alkalde upang masolusyunan ang kanilang idinudulog na problema.
Umaasa sila na sa pamamagitan ng DZXL ay agad maipaabot sa Manila City Govt. ang kanilang karaingan upang mawala ang kanilang takot na makagat ng aso dahil hindi sila tiyak kung natuturukan ng Anti Rabbis ang mga aso na nagkalat sa Evangelista Street Quiapo Manila.