Walang ASF o African Swine Fever na naitala sa Probinsya ng Ilocos Norte.

160

iFM Laoag – Ito ang pahayag ni Provincial Veterinarian Dr. Loida Valenzuela. Ayun sa doctor, mahigpit ang pagbabantay ng kanilang tanggapan kaakibat ang pamahalaang local ukol ditto.

Bilin kasi din ito ni Governor Matthew Marcos Manotoc na tignang Mabuti ang mga iba’t-ibang meat producers sa lalawigan. Mayroon ding quarantine inspection sa mga sasakyan na nagdadala nang mga karne nang baboy sa lalawigan.


Dahil dito marami ang natuwa lalo na ang mga mamayan at negosyanteng nagtitinda nang karne nang baboy sa merkado publiko. Bahagyang humina na kasi ang bentahan nang nasabing karne sa lalawigan.

Magpapatuloy naman ang quarantine inspection sa mga papasok ng Ilocos Norte hanggang sa mawala ang naturang sakit nang baboy sa bansa.

Facebook Comments

From Advertisers