WALANG ATRASAN | Malacañang, nanindigang hindi magbabago ang desisyon ni Pangulong Duterte sa pagkalas sa ICC

Manila, Philippines – Nanindigan ang Malacañang na hindi na magbabago ang
desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas na ang Pilipinas sa Rome
Statute na lumikaha ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, huli na ang pakiusap ng ICC at
buo na ang desisyon ni Pangulong Duterte.

Sinabi pa ni Roque na naipadala na ng Pilipinas ang Notice of Withdrawal sa
United Nations Secretary General Office.


Inihayag ni Roque na ang pangunahing dahilan, kaya nagpasya ang Pangulo na
umalis na sa ICC ang Pilipinas ay dahil sa paglabag mismo ng ICC special
prosecutor sa principle of complementarity na nasa probisyon ng Rome
Statute.

Matatandaan na sa statement ng ICC, hinihiling nito na huwag kumalas ang
Pilipinas sa Rome Statute.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments