WALANG AWA? | Pag-divert sa 10.6 billion pesos na pondo ng PhilHealth, itinuturing na karumal-dumal na krimen – Sen. JV Ejercito

Manila, Philippines – Isang karumal-dumal na krimen na tatlong beses na mas masahol pa sa kontrobersyal na pagbili ng gobyerno sa Dengvaxia vaccine.

Pahayag ito ni Committee on Health Chairman Senator JV Ejercito patungkol sa pag-divert umano sa 10.6 billion pesos na pondo ng PhilHealth noong 2015 para sana sa mga senior citizens.

Sinasabing inilipat ang nabanggit na salapi para ipagpatayo ng rural health facilities na hindi naman umano natupad.


Diin ni Ejercito, ang nabanggit na hakbang ay nagpapakita ng kawalan ng puso, kawalan ng konsensya at kawalan ng pakialam sa kondisyon ng mga senior citizens.

Sabi ni Ejericto, naisampa na ang kaso hinggil dito laban kina dating Health Secretary Janette Garin at dating PhilHealth President and CEO Atty. Alexander Padilla kaya sa Office of the Ombudsman na lang sila magpaliwanag.

Facebook Comments