WALANG BAGO | NPA, terorista pa ring ituturing ng pamahalaan kahit bukas si Pangulong Duterte na makipag-usap dito

Manila, Philippines – Terorista paring ituturing ng Gobyerno ang New People’s Army.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas na siya sa muling pagkakaroon ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng NPA.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, sa ngayon ay nagpahayag palang ang Pangulo pero hindi pa pormal na nagsisimula ang pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at ng NPA kaya sa ngayon ay nananatili paring teroristang grupo ang NPA.


Sinabi pa ni Guevara na kapag nagsimula na ang usapang pangkapayapaan, bahala na ang goyerno kung iaatras sa korte ang petisyon na ideklarang terorist group ang NPA.

Matatandaan na inilatag muli ni Pangulong Duterte ang kanyang kondisyon para sa NPA kung saan sinabi ng Pangulo na dapat ay ihinto na ng NPA ang paniningil ng revolutionary tax.

Matatandaan din na mayroon umanong sinunog na heavy equipment ng isang construction firm ang NPA sa Davao Del Norte dahil kinokontra umano ng mga ito ang pagasenso ng lugar.

Facebook Comments