WALANG BAGO | Pagkakaroon ng missile sites ng NoKor, hindi na bago – Trump

Binatikos ni U.S. President Donald Trump ang maling ulat ng ilang media na idineklara ng North Korea ang tinatayang 20 missile bases nito.

Ayon kay Trump – hindi na bago ang mga ganitong ulat.

Aniya, kung sakaling may mali nang nangyayari, siya ang unang makakaalam.


Nabatid na inihinto ng Pyongyang ang missile at nuclear bong testing nito ngayong taon subalit patuloy ang negosasyon ng US at South Korea sa North Korea para hikayating magkaroon ng kongkretong kasunduan na tuluyang ititigil ang weapons programs nito.

Facebook Comments