Manila, Philippines – Hindi minamasama ng Palasyo ng Malacañang ang inilabas na pastoral letter ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, matagal nang nasabi ng CBCP na hindi sila magsasawalang kibo sa araw-araw na patayan na nangyayari sa bansa dahil una na itong sinabi ng CBCP noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Paliwanag ni Roque, nasubaybayan niya ito dahil sa mga issue ng pagpatay noon bilang isang Human Rights Lawyer.
Inamin pa ni Roque na inaasahan nila na magiging matapang o palaban ang pastoral letter ng CBCP pero naging maamo pa nga ito.
Wala din aniya siyang narinig na pagkondena ng simbahan dahi posibleng iniiwasan ng mga obispo ang komprontasyon sa kanilang pastoral letter.
Umaasa naman si Roque na magiging maayos ang relasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng sector ng lipunan matapos ianunsiyo na wala na itong balak na mamuno sa transition government at matapos ang pulong nito kay CBCP President Archbishop Romulo Valles.