Manila, Philippines – Walang nakikitang pagbabago ang grupong Tindig Pilipinas sa naging pagpapalit ng liderato sa Kamara.
Sa isang statement, sinabi ng grupo na ang pag akyat ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang House Speaker ay nagpapakita lamang na na nahati na ang pangkat ng mga sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Malinaw anila na ang mga faction na ito ang nagwawakwakan ng talikuran at wala itong maitutulong sa Punong Ehekutibo.
Ang nangyari ay nila ay simpleng paglilipat ng kapangyarihan mula sa kamay ng isa pang elitistang grupo at wala aniyang asahan na maitutulak na batas para sa kapakinabangan ng sambayanan.
Wala aniyang bagong aasahan dahil para lamang naglagay ng isang bangkay sa isang nabubulok na institusyon.