WALANG BALAK | Customs Commissioner Isidro Lapeña, hindi bababa sa posisyon

Manila, Philippines – Walang balak magbitiw si Customs Commissioner Isidro Lapeña sa harap narin ng mga issue na bumabalot sa Bureau of Customs tulad narin ng pagkakalusot ng bilyon bilyong pisong halaga ng Shabu.

Sa Briefing sa Malacañang ay sinabi ni Lapena ay nang italaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon ay mayroon itong marching order sa kanya na sugpuin ang katiwalian at pataasin ang koleksyon ng BOC.

Sinabi ni Lapeña na marami na siyang naipatupad na pagbabago at napataas na niya ang koleksyon ng BOC pero marami pa aniya siyang kailangang gawin sa BOC para magampanan niya ang mga iniutos sa kanya ni Pangulong Duterte.


Sa ngayon aniya ay pinagiisipan na niya ang pagsasagawa ng major revamp sa BOC pero regular parin naman aniya itong ginagawa kung saa aabot na aniya sa 1000 tauhan ng BOC ang nailipat na sa ibat-ibang posisyon dahil sa ibat-ibang kaso o dahilan.

Facebook Comments