WALANG BALAK | Dating PNoy, walang planong tumakbo sa 2019 election

Manila, Philippines – Walang balak si dating Pangulong Noynoy Aquino na tumakbo sa 2019 election.

Gayunman, sinabi ni Aquino na magiging aktibo siya sa pangangampanaya para sa kandidato ng oposisyon.

Handa rin aniya siyang tumulong para matiyak na may oposisyon na magbibigay ng check and balance sa gobyerno.


Umaasa naman si Aquino na sakaling magbitiw sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ay susundin nito ang nasa konstitusyon na ang ikalawang pangulo ang papalit sa kaniya sa pwesto.

Giit ni Aquino, kumpiyansa siyang kaya ni Vice President Leni Robredo na pamunuan ang bansa.

Facebook Comments