WALANG BANTA | DOJ, tiniyak ang seguridad sa NBI ni Eirene Mae Tatad

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) ang seguridad sa kustodiya ng (National Bureau of Investigation) NBI ni Eirene Mae Tatad, ang consignee ng P6.4 billion shabu shipment.

Ang paniniyak ay ginawa ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa harap ng pangamba ng ina ni Tatad.

Ayon kay Aguirre, wala silang natatanggap na banta sa seguridad ni Tatad.


Tiniyak din ng kalihim kay Ginang Nedy Agustino Tatad na hindi pinababayaan ng NBI ang anak nito.

Facebook Comments