Manila, Philippines – Pinawi ng Palasyo ng Malacañang ang pangamba ni Vice President Leni Robredo sa harap narin ng pagsusulong ng ilang supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Revolutionary Government.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, iginagalang nila ang pahayag ng pangalawang pangulo pero wala aniya itong dapat ikabahala.
Paliwanag ni Roque, makailang ulit nang sinabi ni Pangulong Duterte na sa ngayon ay walang basehan at walang pangangailangan na ideklara ang revolutionary government.
Sinabi narin aniya ni Pangulong Duterte na magdedeklara lamang ito ng Revolutionary Government kung lupaypay o naghihingalo na ang gobyerno pero sa ngayon aniya ay hindi ito nangyayari dahil buo ang suporta ng mamamayan sa Pangulo.
Iginagalang naman aniya ng Pangulo ang panawagan ng mga grupong nagsusulong ng revolutionary government pero sa ngayon aniya ay malabo itong ideklara.
WALANG BASEHAN │VP Robredo, hindi dapat mangamba sa mga nagsusulong ng revolutionary government
Facebook Comments