‘WALANG BASEHAN’ | Dating Budget sec. Abad, umalma sa pagkakadawit sa 9-billion right to way scam

Manila, Philippines – Umalma si dating Budget secretary Florencio Abad sa pandadawit sa kanya sa halos siyam na bilyong pisong pekeng land titles scam sa General Santos City.

Ayon kay Abad, walang basehan ang akusasyon ng testigong binanggit ni Justice secretary Vitaliano Aguirre II.

Iginiit ni Abad na kailanman ay hindi siya naging sangkot sa nasabing transaksyon maging ang Department of Budget and Management (DBM) kung saan siya namuno.


Makabubuti rin aniyang ang Department of Public Works and Highways ang magbigay-linaw sa nasabing usapin lalo nat ito ay nakabinbin ngayon sa Ombudsman.

Sa panig naman ni dating Public Works secretary Rogelio Singson, tumanggi muna itong magbigay ng reaksyon at sa halip ay kanya daw munang aalamin ang nasabing isyu.

Facebook Comments