WALANG BASEHAN | Senate Resolution ng SC sa pagtanggal kay Sereno, wala nang Saysay – Atty Larry Gadon

Manila, Philippines – Tinawag ni Attorney Larry Gadon na wala nang saysay at walang basehan ang Senate Resolution na nilagdaan ng 14 na senador na humihiling na i-review ang desisyon ng Korte Suprema sa pag-tanggal kay dating Chief Justice Lourdes Sereno.

Sa Forum sa QC, sinabi ni Attorney Gadon na hindi niya maintindihan kung bakit sinasabi ng mga senador na Un-Constitutional ang Qou Warranto Petition na ginamit ng SC sa pagpapatalsik kay Sereno.

Naniniwala si Gadon na ang SC lang ang Legal na nag e-interpret sa kaso at walang karapatan ang Senado na panghimasukan ang anumang desisyon nito.


Pinuri ni Gadon ang katulad nina Senator Tito Sotto, Panfilo Lacson at maging si Buhay partylist representatvie Lito Atienza na hindi naman mga abogado pero naiintindihan ang proseso at ang Separation of Powers ng dalawang institusyon.

Binuweltahan din ni Gadon si dating Supreme Court Chief Justice Hilario Davide na nagpahayag na dapat ma-impeach ang 8 Supreme Court justices na bumoto para matanggal sa pwesto si Sereno.

Facebook Comments