Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na walang basehan ang ang naging pahayag ni Senador Frank Drilon na mayroon umanong isinusulong na pagbuwag sa Senado.
Matatandaan na sinabi ni Drilon na maituturing na prelude ng umano’y pagbuwag sa Senado ang naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez kung saan tinawag nitong mabagal na kapulungan ang Senado.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang ganoong mungkahi ang PDP Laban na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang diin nito na hindi rin napag-uusapan ang nasabing issue pati na ang lumutang na no-election scenario sa susunod na taon.
Sinabi din ni NBI Roque na Charter Change ang gusto ng Administrasyon at kailangang makumbinsi dito ang mga senador kaya walang pangangailangan na buwagin ang buong Senado.