Manila, Philippines – Ipinababasura sa Korte Suprema ang petisyong hinain ng opposition congressmen laban sa isang taong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Solicitor-General Jose Calida, nabigo ang mga naghain nito na isama ang joint resolution ng kongreso na pinagbatayan nila ng kanilang isinampang petition.
Nag-desisyon na rin aniya ang Supreme Court na mayroong umiiral na rebelyon sa Mindanao alinsunod na rin sa naunang deklarasyon ng batas militar sa lugar.
Wala anyang batayan ang mga argumento ng mga petitioner na walang “factual basis” ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Giit ni Calida, dapat pagtibayin ng mga petitioner na wala talagang at tuluyan ng nagtapos ang rebelyon sa Mindanao.
Malinaw rin aniyang hindi pa tapos ang rebelyon dahil sa pananatili ng mga teroristang grupo kabilang na irto ang terrorist group na CPP-NPA.