‘Walang batayan para i-deklara ang martial law sa buong bansa’ – dating Senate President Nene Pimentel

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel na walang sapat na batayan si Pangulong Rodrigo Duterte para magdeklara ng nationwide martial law.

Kaugnay ito ng gagawing kilos-protesta ng mga militanteng grupo sa anibersaryo ng martial law sa September 21.

Matatandaang sinabi ng pangulo na posibleng magdeklara siya ng batas militar sakaling magsagawa ng malawakang demonstrasyon ang mga komunistang grupo.


Sa exclusive interview ng RMN kay Pimentel, naniniwala siya na hindi seryoso si Duterte sa kanyang banta.

Facebook Comments