Manila, Philippines – Inaasahang magkakaroon na ng libreng gamot sa lahat ng ospital ng gobyerno sa bansa.
Ito ay sa oras na maging batas ang isinusulong na house bill 3753 o ang free medicine for the poor act.
Sa panukalang batas ni committee on appropriations Vice Chairman Alfred Vargas, mabibigyan na ng libreng gamot sa lahat ng mga mahihirap na Pilipino sa lahat ng government medical facilities.
Nakapaloob din dito na pangangasiwaan ito ng Department of Health at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sabi ni Vargas, karapatan ng bawat mamamayan lalo na ng mga maralitang pamilya na magkaroon ng madaling access sa kinakailangang mga gamot para mapabuti at kanilang kalusugan.
Batay sa World Health Organization, nasa 33% lamang ng mura, ligtas at de kalidad na gamot ang makikita sa mga ospital na pinapatakbo ng gobyerno.