WALANG BROWNOUT | Sapat na supply ng kuryente sa bansa sa panahon ng tag-init, tiniyak ni Senator Gatchalian

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Win Gatchalian na sapat ang suplay
ng kuryente sa bansa ngayong panahon ng tag-init.

Sa pagdinig ng Senate Committees on Energy and Ways and Means, sinabi ni
Gatchalian na walang brownout ngayong tag-init dahil sa mahusay na
performance ng mga planta ng kuryente.

Pero asahan na aniya ang pagtaas ng singil ng kuryente sa loob ng dalawang
buwan.


Ito aniya ay dahil sa pagtaas ng presyo ng coal na pangunahing ginagamit na
panggatong ng mga power generators.

Dagdag pa nito, maaring hanggang 20 centavos per kilowatt hour ang maging
dagdag sa bayarin sa kuryente.

<#m_3561493608014334901_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments