WALANG CANCER | Pangulong Duterte, may polyp sa bituka

151

Manila, Philippines – Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, walang cancer si Pangulong Rodrigo Duterte bagama’t may nakitang polyp sa bituka nito na benign o hindi naman delikado.

Pahayag ito ni Zubiri base sa impormasyong ibinigay sa kanila ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Si Zubiri ay isa sa mga Senador na nakipagpulong kahapon kay Pangulong Duterte sa Palasyo.

Sabi ni Zubiri, masaya ang Pangulo, at nagbibiro pa.

Kwento pa ni Zubiri, ikinasiya din ng Pangulo na katabi nya kahapon sa pulong ang magandang si Senator Loren Legarda na pinangakuan la nitong ikakampanya bilang kinatawan ng Antique.

Facebook Comments