Manila, Philippines – Nilinaw ng Land Transportation Franchising Regulatory Board o LTFRB na walang dagdag singil sa pasahe para sa mga modern Public Utility Jeepneys (PUJs) at electronic jeepneys.
Paliwanag ng ginawa ng LTFRB ang paglilinaw kasunod ng maling pagkaintindi ng ilang PUV operators sa diwa ng Memorandum Circular 2019-061.
Ayon sa ahensiya, ang Memorandum Circular ay nagtatakda lamang ng nationwide fare guideline baseline para sa modern PUJs and e-jeepneys at sa pag-standardize ng fare computations.
Sa ilalim ng Memorandum Circular, inililinaw lamang na para sa non-air-conditioned electric at modern PUJs, ang fare rate ay 20% na mas mataas sa regular PUJ Services para sa unang 1st 4 kilometers pero walang rate difference sa susunod na kilometro.
Para sa air-conditioned electric at modern PUJs, ang fare rate ay 20% na mataas sa regular PUJ servicers para sa 1st 4 kilometers, at 20% na mataas para sa susunod na kilometro.