Manila, Philippines – Walang nakikitang dahilan ang Palasyo ng Malacañang para magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ang Revolutionary Government.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng naging pahayag ni Pangulong Duterte na ikinokonsidera niya ang pagdedeklara ng revolutionary government sakaling magkaroon ng dahilan tulad nalamang ng destabilization laban sa administrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, Malabong magdeklara ang Pangulo ng Revolutionary Government at hindi ito kinokonsidera dahil buo ang suporta ng taumbayan sa pangulo at naniniwala ang mamamayan na lehitimo itong naluklok sa posisyon.
Sinabi pa ni Roque na patunay lamang dito ang mataas na ratings ng Pangulo at ang patuloy na pagtaas ng ratings nito.
Naniniwala din naman si Roque na walang nagtatangka na magsagawa ng destabilization plot laban kay Pangulong Duterte.
Nabatid naman na mayroong isang grupo sa Davao City ang nagsusulong at nananawagan kay Pangulong Duterte na magdeklara ng Revolutionary government at magsasagawa pa ang mga ito ng isang pagkilos sa November 30 para ito ay maipaabot kay Pangulong Duterte.
WALANG DAHILAN │Revolutionary government, hindi idedeklara ni Pangulong Duterte
Facebook Comments