WALANG DAHILAN? | Hiling ni P-Duterte na palawigin pa ang martial law sa Mindanao, pinangangambahan ng CHR

Manila, Philippines – Ikinaaalarma ng Commission on Human Rights ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang umiiral na martial law sa Mindanao.

Ayon kay CHR Commissioner Roderto Cadiz, wala siyang nakikitang dahilan para palawigin pa ang batas militar gayun sinabi na ng militar na napuksa na ang maute-isis group sa Marawi City.

Giit ni Cadiz, tila pamamaraan ito para mabigyan ng karagdagang kapangyarihan ang pangulo.


Kasabay nito, hinikayat ng CHR ang publiko na maging matapang, mapagmatiyag at patuloy na ihayag ang kanilang saloobin lalo’t kasama ito sa karapatan ng bawat tao.

Facebook Comments